Japan, pababagsakin ang ilulunsad na missile ng North Korea

By Mariel Cruz August 13, 2017 - 09:09 AM SHARE(S):
FILE PHOTO

Idineploy ng Japan ang kanilang Patriot missile defense system dahil sa banta ng North Korea na maglulunsad ng ballistic missile sa Guam.

Nabatid na posibleng dumaan sa Japan ang naturang missile bago bumagsak sa Guam.

Ayon sa public broadcaster na NHK at Kyodo News, idineploy ng defense ministry ang Patriot Advanced Capability 3 (PAC 3) system sa Shimane, Hiroshima at Kochi sa western Japan.

Nagbanta ang North Korea na posibleng daanan ng kanilang missile ang nabanggit na mga lugar sa Japan.

Bukod dito, nagdeploy din ng antimissile system sa kapitbahay na Ehime, habang ipinuwesto naman sa Sea of Japan ang ome maritime Self-Defense Force Aegis destroyer para magpabagsak sa airborne missiles.

Una nang sinabi ng Japan na nakahanda silang pabagsakin ang missiles o rockets na ilulunsad ng North Korea na posibleng tumama sa kanilang teritoryo.

Kasalukuyang nagkakaroon ng tensyon sa pagitan ng United States at North Korea, at dahil dito, nagbanta si US Pres. Donald Trump sa Pyongyang na pagsisisihan ang anumang pag-atake na gagawin sa Amerika.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.