Sen. Pangilinan, pinatutukan sa DTI ang presyo ng manok sa merkado

By Angellic Jordan August 13, 2017 - 09:06 AM

Kuha ni Mark Makalalad

Hinikayat ni Senate Committee on Agriculture Chair Francis “Kiko” Pangilinan ang Department of Trade and Industry (DTI) na tutukan ang posibleng pagtataas sa presyo ng manok sa mga merkado kasunod ng bird flu outbreak sa San Luis, Pampanga.

Ayon kay Pangilinan, hindi maaaring pagsamantalahan ang sitwasyon dahil isang bayan lang ang apektado at maraming maaring pagkuhaan ng manok sa bansa.

Giit pa ng senador sa gobyerno, bigyan ng suporta ang mga maliliit na negosyo sa pagpopondo para masugpo ang virus at makabangon sa mga nawalang kita.

Importante din aniyang bumuo ng plano ang gobyerno para maiwasan ang pagkalat ng virus at maprotektahan ang mga Pilipino at iba pang livelihood sectors.

Nagpositibo ang mahigit 400,000 pato, manok at pugo sa avian influenza Type A.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.