Pag-aangkat ng mga manok na mula sa Luzon, bawal na ayon sa Department of Agriculture

By Mariel Cruz August 13, 2017 - 08:56 AM SHARE(S):
INQUIRER FILE PHOTO

Ipagbabawal ng Department of Agriculture ang pag-aangkat ng mga manok na mula sa Luzon sa iba pang bahagi ng bansa.

Ito ay bilang bahagi ng ginagawang pagpigil ng gobyerno sa pagkalat ng kauna-unahang naitalang bird flu outbreak sa bansa.

Ayon kay Agriculture Sec. Manny Piñol, hindi sakop ng shipment ban ang mga manok na idinadaan sa Manila airport bilang transhipment point sa iba pang bahagi ng bansa.

Pero ipatutupad pa rin aniya ang mahigpit na quarantine protocols.

Dagdag pa ni Piñol, hindi dapat tanggalin sa mga kahon ang mga manok na mula sa US, at kailangan ikarga agad sa connecting flights sa Visayas ay Mindanao.

Nanawagan naman ang kalihim sa lahat ng Filipino na makiisa sa gobyerno sa pagpigil sa bird flu virus at ugaliing maglinis ng kanilang poultry farms at i-monitor ang mga manok sa anumang sintomas ng sakit.

Sinabi din ni Piñol na idineklara nang “controlled zone” ang pitong kilometrong bahagi ng San Luis, kung saan namatay ang tatlumpu’t pitong manok dahil sa bird flu, at aabot naman sa 200,000 na iba pang uri ng manok ang nakatakdang katayin.

Wala aniyang manok o itlog ang maaaring ilabas mula sa “controlled zone”, at lahat ng sasakyan na magmumula sa lugar at kailangan wisikan ng disinfectant.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.