P1 Million halaga ng shabu nasabat sa isang checkpoint sa Lanao del Sur

By Rohanissa Abbas August 12, 2017 - 08:20 PM SHARE(S):

Nasabat ng mga otoridad ang halos ay P1 Million halaga ng shabu sa isang checkpoint sa bayan Lumbayanague, Lanao del Sur.

Ayon kay Acting Provincial PNP Director Senior Supt. John Gano Guyguyon, inaresto ang mga suspek na sina Fatima Billa, Ansary Hadji Fahad Disoma, Abedin Macasasa, at Alex Macasasa.

Ito ay makaraang makatanggap ng tip ang pulisya na may dalang mga droga may bitbit na droga ang dadaan sa lugar.

Ayon sa mga suspek, nanggaling sa Maynila ang 500 gramong shabu na na nakuha sa kanila.

Amindo naman ang mga ito na sila ay tulak ng droga at napilitang gawin ito dahil sa kahirapan sa lugar.

Ipinaliwanag naman ni Guyguyon na walang ugnayan sa Maute group ang mga suspek.

TAGS: Lanao Del Sur, Maute, shabu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.