Lalaking nag-tangkang magnakaw ng beer, arestado sa Pasay

By Cyrille Cupino August 12, 2017 - 05:27 AM SHARE(S):
FILE PHOTO

Arestado ang isang lalaking gustong maglasing matapos magnakaw ng beer sa isang convenience store sa Pasay City.

Kinilala ang suspek na si Bainard Vergara, 30 anyos, walang trabaho at residente rin ng naturang lungsod.

Batay sa imbestigasyon, nangyari ang insidente sa isang convenience store sa Pearl Drive, MOA Complex.

Ayon sa store supervisor na si Christina Mabana, bago umatake ang suspek ay ninakawan na rin sila nito noong Miyerkules kung saan natangayan sila ng halos P1,000 halaga ng produkto.

Nakunan naman ng CCTV ang insidente pero hindi na nahuli ang suspek hanggang sa muli na naman itong pumasok sa convenience store.

Dahil namukhaan na ng mga crew, binantayan nito ang kilos ng suspek hanggang sa maaktuhan itong dumukot ng isang beer can at isinilid sa kanyang shoulder bag.

Dito na sinita ng mga tauhan ng convenience store ang suspek at dinala sa presinto.

Nakakulong na sa Pasay City police station ang suspek at nahaharap sa kasong theft.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.