Pintor, tinambangan-patay sa Brgy. Payatas, Quezon City

By Cyrille Cupino August 12, 2017 - 05:26 AM SHARE(S):

Patay ang isang pintor matapos pagbabarilin sa Payatas Rd., Brgy. Payatas, Quezon City.

Kinilala ang biktimang si Noel Royales, 39 anyos, na nagtamo ng tatlong tama ng bala sa ulo at katawan.

Ayon sa asawa ng biktima na si Melinda, nagpaalam sa kanya ang mister na lalabas lang ng bahay sandali.

Makaraan lamang ang ilang minuto, may kapitbahay na nagbalita sa kanyang wala nang buhay ang kanyang mister.

Aminado naman ang misis ng biktima na dating gumagamit ng iligal na droga ang kanyang mister.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa nasabing insidente.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.