3 sa 4 na construction workers na dinukot ng ASG sa Sulu, nakatakas

By Dona Dominguez-Cargullo August 11, 2017 - 05:42 PM

Credit to: Julie Alipala

Nakatakas ang tatlo sa apat na construction workers na taga-Zamboanga mula sa pagkakabihag sa kanila ng Abu Sayyaf Group (ASG).

Ang mga nakatakas ay sina Filemon Guerrero Jr., Joel Adanza, at Jason Vailoces.

Pawang tubong Zamboanga ang tatlo na dinukot ng ASG sa Patikul, Sulu.

Habang nananatiling hawak ng mga rebelde ang isa pa nilang bihag na si Edmundo Ramos.

Noong Huwebes, nagbanta ang ASG na pupugutan nila ng ulo ang apat na bihag kung patuloy namabibigo ang pamilya nila na bayaran ang hinihinging P4 milyon na ransom.

 

 

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.