LOOK: Road repairs ng DPWH ngayong weekend sa maraming kalsada sa Metro Manila

By Dona Dominguez-Cargullo August 11, 2017 - 10:21 AM

Magsasagawa ng road repairs ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa maraming pangunahing lansangan sa Metro Manila ngayong weekend.

Magsisimula ang repair alas 11:00 ng gabi ng Biyernes, August 11 hanggang alas 5:00 ng umaga ng Lunes, August 14.

Dahil dito, inabisuhan na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga motorista traffic na maaring idulot ng road repair.

Kabilang sa mga apektadong lansangan ang mga sumusunod:

SOUTHBOUND
– 2nd lane ng A. Bonifacio ABenue sa pagitan ng Del Monte St., lagpas ng Binhagan St. sa Quezon City
– 2nd lane ng EDSA malapit sa Trinoma, Quezon City
– C5 Road malapit sa Julia Vargas, Pasig City

NORTHBOUND
– Mac Arthur Highway malapit sa Monumento Circle sa Quezon City
– 2nd lane ng Mindanao Avenue malapit sa Road 20 sa Quezon City
– Manila East Road sa harap ng SM East Ortigas sa Pasig City
– 3rd lane ng Congressional Avenue extension sa pagitan ng Visayas Avenue patungo ng Tandang Sora Avenue sa Quezon City
– 2nd lane ng Quirino Highway sa pagitan ng Regalado Avenue North hanggang La Mesa Dam

WESTBOUND
– 1st lane ng Luzon Avenue sa pagitan ng Commonwealth Avenue hanggang Congressional Avenue extension

Payo ng MMDA, kung may pupuntahan ngayong weekend ay iwasan na lamang muna ang nasabing mga kalsada.

 

 

 

 

 

 

TAGS: caloocan, DPWH, edsa, Metro Manila, mmda, pasig, road repair, caloocan, DPWH, edsa, Metro Manila, mmda, pasig, road repair

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.