Barangay sa QC, 6 na oras mawawalan ng suplay ng tubig

By Mark Makalalad August 11, 2017 - 09:40 AM

Pansamantalang mawawalan ng suplay ng tubig ang ilang barangay sa Quezon City simula ngayong araw, August 11 hanggang bukas August 12.

Ito ay habang isinasagawa ng Maynilad ang kanilang “maintenance activities”.

Sa inilabas na advisory, apektado ng water service interruption ang bahagi ng Baranggay Del Monte alas 10:00 ng gabi ng Biyernes.

Dahil dito, pinayuhan ng Maynilad na mag-imbak ng sapat na tubig ang mga residente ng naturang baranggay nang sa gayon ay makaiwas sa abala.

Inaasahan namang maibabalik sa normal ang water supply sa Baranggay del monte bukas, August 12 ng alas-4:00 ng umaga.

 

 

 

 

TAGS: maynilad water, public service, Radyo Inquirer, water service interruption, maynilad water, public service, Radyo Inquirer, water service interruption

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.