Assassination umano ng CIA kay Sison, “pathetic” ayon sa Palasyo

By Kabie Aenlle August 11, 2017 - 03:15 AM

 

Tinawag na “pathetic” o kaawa-awa ng Malacañang ang alegasyon ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) na may balak magpapatay kay Communist Party of the Philippines (CPP) founder Jose Maria Sison.

Sa inilabas kasing pahayag ng NDFP kamakailan, sinabi nitong may plano ang Central Intelligence Agency (CIA) ng United States na makipagtulugnan sa Armed Forces of the Philippines (AFP) para sa assassination ni Sison.

Oras anilang maipapatay si Sison, patatalsikin naman sa pamahalaan si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ipinagkibit-balikat lang ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella ang mga nasabing akusasyon ng NDFP.

Aniya, sa simula pa lang ay may mga usap-usapan nang umiikot tungkol sa pagpapatalsik kay Pangulong Duterte.

Pero ngayon aniya, sadyang “pathetic” na ang ginagawa ng NDFP na pagsingit sa kanilang mga sarili sa aniya’t “plot twist.”

Itinanggi at hindi rin naman kinagat ng AFP ang mga sinasabi ng NDFP.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.