Taylor Swift, sumalang sa witness stand; iginiit na ‘hinipuan’ siya ng radio host

By Rhommel Balasbas August 11, 2017 - 04:02 AM

 

Pormal nang sumailalim si Taytlor Swift sa witness stand sa kanyang pagharap sa pagdinig sa kasong panghihipo sa kanya ng isang radio host.

Taong 2013 nang umano ay ilagay ng akusado na si DJ David Mueller ang kamay nito sa ilalim ng bistida na Swift at hinipuan ang singer habang sila ay nagpopose para sa isang litrato.

Sa pagdinig na ginanap sa Denver federal court, iginiit ni Swift na tunay siyang hinipuan.

Mariin naman itinatanggi ni Mueller ang akusasyon ng singer at sinisi ito sa pagkakatanggal sa kanyang trabaho.

Nagsampa ng kaso ang DJ laban kay Swift at sa mga tauhan nito dahil sa umano ay pag-iimbento ng kwento at pinagbabayad ang singer ng 3 milyong dolyar bilang danyos perwisyo.

Sinabi naman ng mga abogado ni Swift na walang dahilan para siraan ng singer ang naturang radio host dahil hindi naman niya ito kilala.

Nagsampa na rin ng kasong sexual assault si Swift na dahilan ng pagsisimula ng mga pagdinig simula ngayong linggo.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.