2 sundalo, 5 ASG patay sa rescue operations sa Sulu

August 11, 2017 - 04:07 AM

 

Patay ang dalawang sundalo at limang miyembro ng Abu Sayyaf Group matapos subukang iligtas ng militar ang mga hostage ng bandidong grupo sa lalawigan ng Sulu.

Ayon kay Sulu Provincial Commander Brig. Gen. cirilito Sobejana, nakasagupa ng pwersang gobyerno ang nasa tatlumpung armadong suspel sa sulu.

Ani Sobejana, sinusubukan ng mga sundalo na sagipin ang dalawampu’t tatlong bihag, kabilang na ang labinlimang dayuhan matapos ang hindi banta ng grupo na pupugutan umano ng ulo ang mga ito.

Dagdag pa ni Sobejana, pinaghiwalay-hiwalay ng militanteng grupo ang mga hostages sa iba’t ibang commanders kaya’t hindi malinaw kung sino sa kanila ang hawak ng grupong nakaharap ng pwersa ng gobyerno.

Noong nakaraang buwan lamang ay nabawi ng militar ang katawan ng dalawang Vietnamese crewmen na binihag ng Abu Sayyaf noong nakaraang taon.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.