140 sigarilyo itinago sa ari ng isang dalaw sa Pasay Jail

By Justinne Punsalang August 11, 2017 - 04:11 AM

 

Nabigo ang isang ginang na mailusot papasok ng Pasay City Jail Men’s Dorm ang nasa 140 piraso ng sigarilyo o katumbas ng pitong pakete makaraang madiskubre ito ng mga jailguards sa kanyang ari.

Mag-aalas-2:00 ng hapon nang maharang ng mga jail guard ng bilangguan si Christine Feria, 28-anyos asawa ng isa sa mga inmate ng bilangguan.

Ayon kay Deputy Jail Warden Orlando Alicante Jr., nadiskubre ang bungkos ng sigarlyo mula kay Feria nang sumailalim ito sa stripping inspection bago payagang makapasok sa loob ng City Jail.

Ibinalot pa ang naturang mga sigarilyo sa condom bago nang madiskubre sa kanyang kaselanan.

Tatlo hanggang anim na buwang banned si Feria sa pagbisita.

Kung mapapatunayan namang may pakikipagkunstabahan ang asawa ni Feria sa pagtatangkang magpuslit ng sigarilyo ay mawawalan ito pansamantala ng good conduct time allowance.

Samantala, 50 to 100 pesos umano ang halaga ng isang stick ng sigarilyo sa loob ng Pasay City Jail.

Noong August 1 naman ay mayroon ding isang babaeng dalaw na nagtangkang magpuslit ng 120 piraso ng sigarilyo sa loob pa rin ng Pasay City Jail.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.