Ilong ni Arci Muñoz, ‘trending’ sa social media

Posted in: Entertainment, Featured, Latest News

Ilong ni Arci Muñoz, ‘trending’ sa social media

 

Mula sa FB

Top trending topic ngayon sa Twitter at lubhang pinag-usapan sa Facebook si Arci Muñoz matapos kumalat ang mga pictures nito na nagpapakita ng kanyang ilong na sinasabing sumailalim sa nose lift procedure.

Sa post ng isang netizen sa Facebook na umani na ng mahigit 20,000 shares, inihalintulad ng ilang netizens si Arci kay yumaong King of Pop Michael Jackson.

May ilan pang nagsabi na puno raw ng insecurities sa sarili ang artist.

Kalat din ang memes at collage na magkatabi si Arci at Alma Concepcion na nagpapakita ng pagkakahawig ng dalawa.

Wala pang pahayag si Arci ukol sa mga natatanggap na reaksyon sa mga netizens.

 

Leave a comment