Gilas Pilipinas, rumesbak sa China

By Rhommel Balasbas August 10, 2017 - 04:20 AM SHARE(S):

 

Fibaasia.com/Inquirer.net

Kumain ng alikabok ang China matapos talunin ng Gilas Pilipinas sa kauna-unahang laro sa 2017 Fiba Asia Cup na naganap kagabi sa Beirut, Lebanon.

Nagmistulang “sweet revenge” ito ng Gilas matapos matalo laban sa China dalawang taon na ang nakalilipas.

Ibinandera ni Terrence Romeo ang Pilipinas matapos magtala ng 26 puntos.

Sinimulan ng Gilas ang laban ng may 17 puntos na lamang sa unang half ng laban bago pa man umatake ang China sa sa third quarter at nagtala ng 31 puntos.

Hindi na pinaiskor ng mga Pilipino ang China sa huling apat na minuto ng laban.

Top trending naman sa twitter ang #GilasPilipinas, Puso at Terrence Romeo na tanda ng sabay-sabay na pagbubunyi ng Filipino fans sa pagkapanalo ng team.

Sa tweet naman ni Manny Pangilinan, masaya nitong binati ang koponan at ipinahayag na buong bansa ang nagsasaya sa pagkapanalo nito.

Muling sasabak sa court ang Pilipinas sa laban nito sa Iraq na magaganap sa Biyernes.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.