Bayaw umano ng self-confessed drug lord na si Kerwin Espinosa, napatay sa police operation

By Rohanisa Abbas August 10, 2017 - 04:23 AM

File photo

Napatay sa operasyon ng pulisya sa Davao City ang pinaniniwalaang bayaw ng self-confessed drug lord Kerwin Espinosa.

Ayon kay Chief Insp. Ronald Lao, isisilbi ng mga pulis ang apat na arrest warrant laban kay Leonardo Dela Cruz sa kanyang apartment dakong alas-10:00 ng umaga kanina.

Aniya, pinaputukan ng suspek ang pulisya kaya nauwi ang operasyon sa engkwentro.

Dito na nasawi si Dela Cruz na isang taon nang nagtatago.

Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang ilang armas.

Ang arrest warrabts na isinilbi kay Dela Cruz ay kaugnay sa umano’y pagkakasangkot nito sa pagpatay sa dalawang pulis sa Albuera, Leyte, at sa paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at Dangerous Drugs Act.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.