Armored car ng Maute group nakuha na ng militar

By Chona Yu August 09, 2017 - 03:45 PM

AFP photo

Nakuha ang armored vehicle noong nakaraang linggo habang nagsasagawa ng clearing operations ang mga sundalo sa main battle area sa Marawi City.

Ang nasabing armored car ay pag-aari ng isang security agency.

Dagdag pa ni Petinglay, kaparehong sasakyan ang nakikita ng mga sundalo tuwing inaatake sila ng mga teroristang Maute.

Nakuha umano ang armored vehicle sa isang strategic structures na pinaniniwalaang gagawing strategic area at temporary base ng mga teroristang nasusugatan sa giyera.

Sinabi pa ni Petinglay ba mayroong tunnel ang building kung saan doon nakaimbak ang mga pagkain, mga bala at mga armas ng teroristang grupo.

TAGS: AFP, armored car, ISIS, marawi, Maute, AFP, armored car, ISIS, marawi, Maute

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.