Larawan ng wala nang buhay na Omar Maute, lumutang

By Josephine Codilla-Radyo Inquirer correspondent August 09, 2017 - 04:54 AM

 

Mula sa JTF Marawi

Malaki ang posibilidad na nasawi na sa airstrike ng militar ang isa sa mga Maute brothers na si Omar.

Sa isang larawan mula sa militar, makikita ang isang lalake na wala nang buhay na niyayakap ng isa pang hindi nakikilalang lalake.

Ang naturang bangkay ay labi diumano ni Omar Maute.

Narekober ang larawan ng Joint Task Force Marawi.

Natagpuan ang larawan mula sa isang cellphone na narekober ng military sa isang encounter site sa lungsod.

Gayunman, hindi pa makumpirma kung kailan nakunan ang naturang larawan.

Una nang binanggit ng militar na posibleng nasawi a si Omar Maute sa kasagsagan ng pagbabagsak ng bomba sa lungsod ng Marawi noong nakaraang buwan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.