TINGNAN: ‘Tulog’ na Pacquiao, tampok sa retirement cake ni Juan Manuel Marquez

By Rhommel Balasbas August 09, 2017 - 04:25 AM SHARE(S):

 

Twitter/Boxinghype

Matapos ianunsyo ang balak na pagreretiro noong nakaraang linggo, tuluyan nang tinuldukan ni Juan Manuel Marquez ang kanyang boxing career kahapon.

Naging agaw-pansin ang naging retirement cake ng boxing legend.

Sa post ng “Boxing Hype” sa Instagram, makikita ang cake na may boxing ring at dalawang boksingero kung saan ang isa ay nakahandusay.

Ayon sa caption ng post na may nakalagay na “Marquez Retirement Cake Savage AF #PacMarquez”, depiksyon ito ng makasaysayang pagkapanalo niya laban niya kay Pacquiao via Knockout noong 2012.

Huling naglaro si Marquez sa ring nang talunin niya ang former world champion na si Mike Alvarado sa Los Angeles, California noong May 2014.

Iiwanan ng 43 year old na boxing legend ang nakagisnang sport ng may record na 56-7-1 at may 40 knock-outs.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.