Charice at Jake Zyrus, magduduet sa isang concert

By Rhommel Balasbas August 09, 2017 - 04:24 AM SHARE(S):

 

Maririnig sa unang pagkakataon sina Charice at Jake Zyrus sa isang concert sa October 6.

Ayon kay Jake Zyrus na dating si Charice, excited na siyang maipakita sa publiko ang paraan niya ng pagtatanghal kung saan siya komportable.

Dapat daw abangan ng mga manonood kung paano magduduet ang dalawa sa nasabing concert.

Makakasama ni Jake sa pagtatanghal sina Troy Laureta na magiging kanyang musical director.

Si Laureta ay isang Filipino – American musical director, keyboardist at record producer na nakatrabaho na ng mga sikat na international performers tulad nina Ariana Grande, David Foster at Iggy Azalea.

Samantala kabilang naman sa mga Pilipinong magtatangal sina Butuin Escalante, Gian Carlo Magdangal at Mitoy Unting.

Ang proceeds ng concert na ito ay mapupunta sa mga pamilya ng mga biktima ng Resorts World shooting.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.