WACKYLEAKS ni Den Macaranas

June 04, 2015 - 11:51 PM

den macaranasBinasted ng isang may edad na ring ex-Beauty Queen/actress ang isang matanda at retiradong pinuno ng isang kilalang ahensya ng gobyerno dahil sa pagiging mayabang at arogante nito.

Ayon sa ating cricket, hindi nagustuhan ng matangkad at sexy pa rin na aktres ang sobrang hangin sa katawan ni dating Government official.

Kapag mag-kwento raw kasi si Lolo ay feeling nya ay sya na ang pinaka-matalino at pinaka-machong nilalang sa mundong ibabaw.

Pati raw ang mga kaibigan ni aktres ay turned-off sa sobrang kayabangan ni Tatang pero hindi na lamang nila ito ipinahahalata kapag sila’y magkakasama dahil sa totoo lang ay galante naman daw si dating Government Official.

Mahusay at kilalang abogado lalo na ng mga pulitiko si Lolo, kaya kahit saan sila magpunta ay laging may kakilala ito.

Pero lingid sa kaalaman ng kanyang mga dating kliyente ay may kadaldalan pala itong si Tatang, pati ang kanilang pribadong buhay ay ikinu-kwento ni dating Government Official sa kanyang pinu-pormahan na dating beauty queen.

Hindi gusto ni aktres ang ganung diskarte dahil napansin din nya na may pagka-kiss and tell ang dating opisyal dahil pati raw ang kanyang mga dating “secret affairs” ay ibinibida kay aktres hoping na makaka-hugot sya dito ng pogi points.

Sinabi ng dating beauty queen/actress na mahirap maka-relasyon ang ganitong nilalang dahil baka dumating ang panahon na sya naman ang i-tsismis nito sa kanyang mga kaibigan pagdating ng araw.

Kaya makalipas lamang ang ilang buwan ay winakasan na ng aktres ang kanyang pakikipag-kita sa diskateng-bulate na dating pinuno ng isang makapangyarihang ahensya ng gobyerno.

ilang araw makaraan siyang ma-basted ay muling tumibok ang puso ni Sir, ayon sa ating cricket, isang batam-batang tisay na nakilala nya sa isang mamahaling KTV Bar sa Paranaque ang bagong apple of the eye ni retired government official.

Palagi raw nya itong idini-display sa lalo na kapag nakikipag-kita sya sa kanyang mga ka-edad at mga kabarkadang abogado.

Hindi nakakapagtakang pinatulan sya ng naturang magandang GRO dahil sa laki ng kinita ni Tatang sa isang project na kanyang niluto bago matapos ang kanyang termino sa pinaglingkuran niyang opisina ng gobyerno.

Dahil sa proyektong iyun kaya hanggang ngayon ay problemado ang opisyal na pumalit sa kanyang iniwang pwesto lalo’t mas magiging busy na sila sa papasok na taong 2016.

Ang matandang dating pinuno ng isang makapangyarihang tanggapan ng pamahalaan na ngayon ay feeling young sa kandungan ng isang batang karelasyon ay si Atty. B….as in Binat-na-Binat. Ang nang-basted naman na dating beauty queen/actress ay si Actress V….as in Vanguard.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.