Singil sa kuryente ng Meralco, tataas ngayong buwan ng Agosto

By Dona Dominguez-Cargullo August 08, 2017 - 12:15 PM

May dagdag muli sa singil sa kuryente ang Manila Electric Company o Meralco ngayong buwan ng Agosto.

Sa abiso ng Meralco, dagdag na P0.13/kwh ang mararamdaman ng consumers sa kanilang August bill.

Naibawas na sa nasabing halaga ang refund ng Meralco na ilang magkakasunod na buwan nang ipinatupad.

Ayon sa Meralco, bahagi ng dagdag singil ang pagtaas ng generation charge.

Para sa mga consumer, aabot sa P26 ang madaragdag sa mga kumokonsumo ng 200 kwh kada buwan; P39 naman kung ang konsumo ay 300k kwh per month; P52 kung 400 kwh ang konsumo at P65 kung umaabot sa 500 kwh ang konsumo.

 

 

 

 

TAGS: meralco, power rate hike, Radyo Inquirer, meralco, power rate hike, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.