China, may mga kondisyon bago masimulan ang usapin sa code of conduct framework

By Kabie Aenlle August 07, 2017 - 03:07 AM

 

Mula sa inquirer.net

Inanunsyo ni Chinese Foreign Minister Wang Yi na maaring magsimula ang pag-uusap ng China at ng ASEAN tungkol sa “code of conduct” sa pinag-aagawang South China Sea ngayong taon.

Ito aniya ay kung wala nang idudulot pang anumang abala ang mga “outside parties.”

Sakaling masunod aniya ang mga kondisyon ng Beijing, maari nang ianunsyo ng mga kinatawan ng China at ASEAN sa Nobyembre ang pagsisimula ng usapin tungkol sa code of conduct.

Ayon kay Wang, kabilang sa mga kondisyon na hinihiling ng Beijing ay ang hindi pangingialam ng mga “outside parties,” na mistulang tumutukoy sa Estados Unidos na laging binabanatan ng China dahil sa panghihimasok sa usapin tungkol sa South China Sea.

Una nang iginiit ng China na hindi dapat makialam ang anumang bansa sa mga usapin na tanging mga bansa sa Asya lamang ang nagreresolba.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.