153 sasakyang na-impound ng MMDA, isusubasta

By Rhommel Balasbas August 07, 2017 - 04:21 AM

 

File photo

Aabot sa 153 na sasakyan ang nakatakdang ipasubasta ng Metro Manila Development Authority sa darating na August 29.

Mayroong hanggang alas dos ng hapon sa nasabing araw ang mga may-ari upang tubusin ang mga sasakyan na nakumpiska dahil sa iba’t ibang paglabag.

Ayon kay MMDA operations supervisor Bong Nebrija ilan sa mga sasakyan na kasulukuyang nakalagi sa mga impounding centers sa Ultra, Pasig at Tumana, Marikina ay nandoon na taong 2007 pa at kinakalawang na.

Per kilo ang magiging bayaran para sa mga sasakyang lagpas sampung taon na at hindi na magagamit.

Ang auction na isasagawa mula August 29 ay sinasabing isa sa mga pinakamalaking auction na gagawin ng MMDA.

Bahagi ito ng mga pagkilos para linisin ang mga impounding sites at para mapaglagyan ng mga bagong sasakyan na makukumpiska dahil sa illegal parking.

Ayon sa MMDA, aabot na sa 25, 715 ang motoristang lumabag sa illegal parking sa mas pinaigting na road clearing operations ng mga awtoridad sa Metro Manila.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.