Triathlete, nasawi sa Ironman 70.3 sa Cebu

By Jay Dones August 07, 2017 - 04:16 AM SHARE(S):

 

Nasawi ang isang atleta sa kalagitnaan ng paglahok nito sa Cobra Ironman 70.3 Philippines Challenge na ginaganap sa Mactan, Cebu Linggo ng umaga.

Bagama’t naitakbo pa sa ospital, hindi na rin nagawang maisalba ng mga doktor ang buhay ng triathlete.

Ayon sa ulat ng Cebu Daily News, kinilala ng Philippine Red Cross ang nasawing biktima na si Eric Nadal Mediavillo, 47, residente ng San Pedro, Laguna at miyembro ng PMMA Multi Sport Team.

Diumano, nasa kalagitnaan ng paglangoy sa 1.9-kilometer swim course ang atleta nang bigla itong huminto at humingi ng tulong sa mga race marshal.

Wala na itong malay nang dalhin sa pampang ng mga rescue teams kaya’t mabilis itong isinugod sa pagamutan.

Dakong alas 9:47 ng umaga nang ideklarang dead on arrival sa Mactan Doctors Hospital ang manlalaro.

Noong mga nakaraang taon, may ilang naitatala na ring nasawi sa paglahok sa Ironman 70.3 Philippines.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.