Matataas na kalibre ng baril, nasabat sa isang negosyante sa Cavite

By Chona Yu August 04, 2017 - 02:39 PM

Kuha ni Chona Yu

Arestado ang isang negosyante matapos makumpiskahan ng matataas na kalibre ng baril sa Carissa Homes, Brgy. Punta 1, Tanza Cavite.

Nabatid na sinalakay ng mga tauhan ng PNP-CIDG ang bahay ng suspek na si Rogelio TAbanao, 44 anyos, alas sais ng umaga ng Biyernes.

Si Tabanao ay nagne-negosyo ng scrap materials at nasa trucking industry.

Isang impormante ang nag-tip sa mga pulis na ang negosyante ay nagmamay-ari ng mga baril.

Aminado naman ang suspek na sa kanya ang mga nakumpiskang baril at expired na ang mga lisensya nito.

Nakuha sa negosyante ang isang AK 47, isang 12 gauge shotgun at isang cal. 45.

Kakasuhan ng paglabag sa RA 10591 o illegal possession of firearms ang suspek.

 

 

 

 

 

TAGS: CIDG, illegal possession of firearms, PNP, Radyo Inquirer, CIDG, illegal possession of firearms, PNP, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.