WATCH: Isang kilo ng marijuana, nakumpiska ng QCPD sa isang checkpoint sa 13th Avenue, Cubao

By Jong Manlapaz August 01, 2017 - 02:16 PM SHARE(S):

Nakumpiska ng Quezon City Police District ang isang kilo ng marijuana matapos maharang ang tatlong lalake sa checkpoint ng Philippine National Police (PNP) sa Main Avenue Brgy. Socorro, kagabi.

Kinilala ang tatlong naaresto na sina John Lhay Nunez, 17 years old, driver ng motorsiklo na si Carlo Santos, 19 years old at John Mico Espiritu, 21 years old.

Ayon kay Police Supt. Luis Benjie Tremor, hepe ng QCPD Station 7, sinita ang tatlo dahil sa kahina-hinala at walang suot na mga helmet at walang plaka ang gamit nilang motorsiklo.

Nabisto ang marijuana na nakalagay sa isang bagpack na nakuha kay Nunez.

Nagturuan naman ang mga suspek kung kanino sa kanila ang mga nasabat na marijuana.

Narekober sa mga suspek ang apat na bloke ng pinatuyong dahon ng marijuana, apat na elongated plastic wrapped na marijuana, isang zip lock sachet na mayroon ding marijuana at mga paraphernalia.

Samantala, kakasuhan naman ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Acts ang mga naarestong suspek.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.