2 patay sa gas poisoning sa loob ng mining tunnel sa Benguet

By Mariel Cruz August 01, 2017 - 12:30 PM

Patay ang dalawang minero dahil sa hinihinalang gas poisoning sa loob ng isang mining tunnel sa bayan ng Itogon sa Benguet.

Ayon sa pulisya, kinilala ang mga biktima na sina Robert Gorteza, 28 yrs old at Anthony Salas, 30 yrs old.

Natagpuang patay na aniya ang dalawang biktima ng kapwa nila minero sa isang tunnel sa Sitio Millsite sa Brgy. Gumatdang, bandang ala una ng hapon ng Lunes.

Nabatid na isang oras nang nasa loob ng tunnel sina Gorteza at Salas kung kaya pinasok na sila ng iba pang minero.

Ayon pa sa ulat, pinasok pa rin ng dalawang biktima ang naturang tunnel sa kabila ng babala ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office ukol sa mararanasang malakas na pag-ulan sa Itogon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.