Ama, pinagsasaksak ang tatlong anak sa Maynila

By Ruel Perez September 01, 2015 - 09:00 AM

11933589_1019109854767029_364299699_nPatay ang tatlong bata matapos pagsasaksakin ng kanilang sariling ama sa kanilang bahay sa Dapitan, Maynila.

Ang magkakapatid na sina Janel, 5 taog gulang, Jonlee, 9 na taong gulang at Jonel, 14 na taong gulang ay nagtamo ng mga saksak sa katawan mula sa kanilang sariling ama na kinilalang si Rolando Reformato Jr., 33 anyos at isang driver ng jeep.

Matapos ang ginawang pagpatay sa tatlo niyang anak ay nagsaksak sa sarili si Rolando at ngayon ay ginagamot sa Philippine General Hospital (PGH).

Sinasabing masama ang loob ni Rolando dahil nag-away sila ng asawang si Angeli, 33 anyos at hindi ito umuwi ng bahay mula pa noong August 21. Natakot si Angeli na umuwi dahil baka muli siyang saktan ng mister.

Ayon ka Angeli, nakatanggap siya ng text mula kay Rolando bago mag ala 1:00 ng madaling araw kanina, at sinabing kapag hindi siya kinausap ng asawa ay dadalhin niya ang kanilang tatlong anak.

Dahil dito, nagmamadaling umuwi si Angeli pero pagdating ng bahay ay hindi siya pinapasok ni Rolando. Dito na, humingi ng tulong si mga opisyal ng Barangay si Angeli.

Nang buksan ng mga Barangay officials ang pintuan ng bahay ay tumambad sa kanila ang wala ng buhay na sina Janel at Jonel, ang siyam na taong gulang na bata na si Jonlee ay buhay pa pero idineklara nang dead on arrival sa ospital.

Sinabi ni Angeli na manginginom ang kaniyang asawa at sinaktan siya nito nang sila ay mag-away sila noong August 21, 2015.

Iniwan anya sina Jonel at Jonlee kay Rolando dahil nag-aaral sila, habang si Janel ay isinama niya sa kaniyang pag-alis.

Pero noong Biyernes, nagtext sa kaniya si Rolando para ipahiram sa kaniya si Janel dahil name-miss na daw niya.

Hindi naman inaasahan ni Angeli na magagawa iyon ng kaniyang mister sa sarili niyang mga anak.

TAGS: father butchers three kids in Manila, father butchers three kids in Manila

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.