Suspected drug lord Peter Lim, isinailalim na sa lookout bulletin ng BI

By Ricky Brozas July 31, 2017 - 12:50 PM

Ipinag-utos na ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II ang pagsailalim sa suspected drug lord na si Peter Lim sa Immigration lookout bulletin.

Batay sa utos ng kalihim sa mga tauhan ng Bureau of Immigration, kailangan ipabatid sa mga otoridad ang anumang pagtatangka ni Lim na lumabas ng bansa.

Si Lim ay pinaghihinalaang isa sa mga drug lord sa Central Visayas.

Ayon kay Justice Undersecretary Erickson Balmes, ang immigration lookout bulletin order ay inilabas noon pang ika-11 ng Hulyo.

Maliban sa pangalang Peter Lim, nakasaad sa utos na dapat ding bantayan ng mga immigration official ang iba pang ginagamit na pangalan at alyas nito na Petero Go Lim at Jaguar.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: DOJ, Peter Lim, Radyo Inquirer, DOJ, Peter Lim, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.