Alokasyon ng tubig sa Metro Manila sinimulan nang bawasan

By Dona Dominguez-Cargullo September 01, 2015 - 08:06 AM

angat-dam
ANGAT DAM FILE PHOTO

Simula ngayong araw, mas mahina ang magiging daloy ng tubig ang mararanasan ng mga residente sa Metro Manila.

Ayon sa National Water Resources Board (NWRB), mula sa 41 cubic meters per second ay ibababa ang alokasyon sa 38 cubic meters per second.

Paliwanag ng NWRB, mababa pa rin kasi ang water level sa Angat dam sa kabila ng naranasang mga pag-ulan nitong nagdaang mga linggo.

Kailangan ding paghandaan ang pagpasok ng El Niño na ang ‘peak’ ay mararanasan mula buwan ng Oktubre hanggang sa susunod na taon.

Sinabi ni NWRB Executive Director Sevillo David Jr., mas mabuting ngayon pa lamang ay magbawas na ng bahagya sa alokasyon ng tubig para sa pagpasok ng buwan kung kailan matindi na ang epekto ng El Niño ay may sapat a tubig pa sa Angat dam para maiwasan ang water shortage.

Kasabay nito ay pinayuhan ng NWRB ang mga taga-Metro Manila na maging matipid sa paggamit ng tubig.

TAGS: water supply in metro manila, water supply in metro manila

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.