Ilang international flights, kanselado dahil sa sama ng panahon

By Mark Makalalad July 30, 2017 - 12:55 PM

Kinansela na ang ilang international flights sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa masamang panahon.

Sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA), kanselado ang flights:

China Airlines 701/702 -Taipei to Manila to Taipei
Cebu Pacific Air 5J 311 -Taipei to Manila
Air Asia Zest Z2 129 -Taipei to Manila

Pinayuhan ng MIAA ang mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa mga airline company para sa rebooking o refund ng kanilang fare.

Sa abiso ng PAGASA, patuloy pa rin na uulanin ang ilang bahagi ng bansa partikular na ang Batanes, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Apayao, Abra at Cagayan group of islands dahil sa pagpasok ng Bagyong Huaning sa Philippine Area of Responsibility.

TAGS: Bagyong “Huaning”, manila, MIAA, NAIA, Taipei, Bagyong “Huaning”, manila, MIAA, NAIA, Taipei

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.