Mas pinaigting na opensiba vs NPA, ipinag-utos ni Pang. Duterte

By Angellic Jordan July 30, 2017 - 09:13 AM

Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa tropa ng militar na paigtingin ang operasyon laban sa New People’s Army (NPA) sa Negros Island Region.

Ito ay matapos umatake ang komunistang grupo na ikinamatay ng 6 na pulis at isang sibilyan sa Guihulgan City, Negors Oriental.

Ayon kay 3rd Infantry Division commander Maj. Gen. Jon Aying, sinabi ng Punong Ehekutibo na tutukan ang NPA oras na matapos ang kaguluhan sa Marawi City.

Aniya pa, inaasahang pababalikin sa Negros ang isang batalyon ng 3rd Infantry Division sa loob ng isang buwan para ipagpatuloy ang laban kontra sa mga rebelde.

Samantala, nag-abot si Duterte ng pagkilala at P100,000 cash assistance sa mga naiwang pamilya ng mga napatay na pulis sa naturang engkwentro.

Binigyan naman ng pangulo ang mga sugatang pulis ng bagong handgun, cellphone at medalya.

TAGS: AFP, Negros Island region, Negros Oriental, NPA, Pang. Duterte, AFP, Negros Island region, Negros Oriental, NPA, Pang. Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.