Ahron Villena, pinag-uusapan sa social media dahil sa kumakalat na nude photo

By Rhommel Balasbas July 29, 2017 - 06:30 AM

Nagtrending sa social media ang Instagram story ng Star Magic talent at 30-year old actor na si Ahron Villena.

Ito ay matapos kumalat ang kanyang selfie sa Instagram na nagpapakita ng kanyang private part.

Trending pa rin ngayon sa Twitter Philippines ang pangalan ng aktor at pinag-usapan din sa Facebook.

Noong Mayo, nasangkot din sa konrtrobersya si Villena matapos kumalat ang ‘di umano ay isa pang photo scandal habang nasa isang private plane.

Matatandaan din na naging usap-usapan si Villena at ang komedyanteng si Cacai matapos magpalitan ng mapapait na pahayag ang dalawa ukol sa estado ng kanilang relasyon.

Sa ngayon ay hindi pa naglalabas ng pahayag ang aktor ukol sa kumakalat na nude photos. / Rhommel Balasbas

TAGS: Ahron Villena, showbiz, Ahron Villena, showbiz

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.