Star Hotshots, tinalo ang Alaska Aces sa PBA Governor’s Cup sa iskor na 101-92

By Rhommel Balasbas July 29, 2017 - 06:27 AM SHARE(S):

Muling umuwing luhaan ang Alaska matapos itong talunin ng Star sa iskor na 101-92 sa kanilang bid sa PBA Governor’s Cup sa Ynares Sports Center kagabi.

Gumanda ang record ng Hotshots sa 2-0 samantalang dinugtungan nila ang pagkatalo ng Alaska na natalo na ng 3 beses sa Commissioner’s Cup simula nung April 2.

Nanguna import ng Star na si Malcolm Hill na nakapagtala ng 28 points at 11 rebounds.

Nakapagbigay naman si Paul Lee ng 18 points, apat na rebounds at limang assists habang nagtala naman ng 16 points si Ian Sangalang.

Ayon naman kay Star head coach Alex Compton, kahit ilang beses silang natalo ay magpapatuloy sila sa laro at walang ibang gagawin kundi ang kumilos at manalo. / Rhommel Balasbas

TAGS: 2016 PBA Governors’ Cup, Alaska Aces, basketball, sports, Star Hotshots

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.