Magsasakang inakusahan ng rape nag-suicide sa Pangasinan

By Mariel Cruz July 26, 2017 - 04:45 PM

Nagpakamatay ang isang magsasaka sa pamamagitan ng pag-inom ng insecticide sa bayan ng Mangatarem sa Pangasinan.

Ito ay matapos malaman na mayroong maghahain ng kasong rape laban sa kanya.

Ayon sa pulisya, natagpuan na wala ng malay ang kanyang anak si Raymundo Dela Cruz Jr., sa kanilang inuupahang bahay sa Barangay Paul bandang alas sais ng umaga.

Nasa tabi aniya ni Dela Cruz ang isang bote ng insecticide.

Agad na isinugod si Dela Cruz sa ospital pero idineklara itong dead on arrival.

Una nang napabalita na humingi ng tulong si Dela Cruz sa Barangay Chairman na si Simplicio Samoy ukol sa kasong rape na kanyang kinakaharap kung saan sangkot ang isang 16-year-old na babae. / Mariel Cruz

TAGS: farmer, pangasinan, rape, suicide, farmer, pangasinan, rape, suicide

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.