VIRAL: Sundalong rapper, nag-alay ng tula sa mga kapwa sundalo sa Marawi

By Dona Dominguez-Cargullo July 26, 2017 - 09:06 AM

Viral ngayon sa social media ang video ng isang sundalo na nag-alay ng tula para sa mga kapwa niya sundalo na nakikipaglaban sa Marawi City.

Ang video ni Private First Class Johnson B. Melitado ng Philippine Army ay naka-upload sa Youtube at may titulong “Pilipinong Sundalo”.

Ayon kay Melitado, alay niya ang tula sa lahat ng kasama niyang sundalong nagbuwis ng buhay at lumalaban para sa kapayapaan, katahimikan at seguridad sa buong bansa lalong lalo na sa Marawi City.

Ginamitan niya ng hashtags na #SupportourTroops #SupportPhilippinearmy #PrayforMArawiCity at #TeamArmyPilipinas ang nasabing video.

Panoorin ang tula ni Melitado:

TAGS: PrayforMArawiCity, Private First Class Johnson B. Melitado, sundalong pilipino, SupportPhilippinearmy, TeamArmyPilipinas, viral video, PrayforMArawiCity, Private First Class Johnson B. Melitado, sundalong pilipino, SupportPhilippinearmy, TeamArmyPilipinas, viral video

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.