World tour ni Justin Bieber kinansela, 14 na shows sa iba’t ibang bansa hindi na matutuloy

July 25, 2017 - 06:42 AM

Kinansela ng pop singer na si Justin Bieber ang nalalabing bahagi ng kaniyang “Purpose” world tour.

“Unforeseen circumstances” lamang ang idinahilan ng kaniyang publicist base sa inilabas na pahayag

Apektado ng kanselasyon ang mga shows ni Bieber sa North America at Asya hanggang sa October 10.

Ayon sa pahayag, mahal ni Bieber ang kaniyang fans at ayaw niyang ma-disappoint ang mga ito, pero matapos ang masusing konsiderasyon, nagpasya silang ihinto na ang world tour para sa nalalabing mga petsa.

Wala nang ibang detalyeng ibinigay kung ano ang nagbunsod sa kanselasyon.

Ang world tour para sa kaniyang album na “Purpose” ay inumpisahan noong March 2016 at umabot na sa mahigit 150 ang kaniyang shows sa Europe, Africa, South America, Australia at ilang bahagi ng Asya.

Kabilang ang Pilipinas sa nakatakda sanang puntahan ni Bieber para sa kaniyang “Purpose” tour.

Sa September 30 ang nakatakda niyang concert sa Pilipinas at noong July 9 inumpisahan ang pagbebenta ng ticket.

Tiniyak naman ng kampo ni Bieber na ibabalik ang perang ibinayad ng mga nakabili na ng tickets.

 

 

 

 

TAGS: concert, justin bieber, Purpose World Tour, Radyo Inquirer, concert, justin bieber, Purpose World Tour, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.