Duterte: Buhay ay mahalaga kaya tuloy ang pagdurog sa droga

By Den Macaranas July 24, 2017 - 05:28 PM

Nilinaw ni Pangulong Rodrigo Duterte na may pagpapahalaga siya sa buhay ng tao taliwas sa mga puna sa kanya ngmga tutol sa war on drugs.

Ito umano ang nagtutulak sa kanya kaya lalo niyang pinagbubuti ang pagdurog sa mga sindikato ng iligal na droga.

Sa kanyang ikalawang State of the Nation Address (SONA), sinabi ng pangulo na tuloy ang kampanya ng pamahalaan sa iligal na droga sa kabila ng mga batikos sa kanyanyang kampanya.

Sinabi rin ng pangulo na hindi siya papaya na matalo ang pamahalaan sa pagdurog sa mga sindikatong nasa likod ng illegal drugs sa bansa.

Hinamon rin niya ang mga kritiko ng war on drugs na gumawa ng kanilang sariling hakbang para wakasan ang nasabing problema.

Nagbanta rin si Duterte sa mga nasa likod ng sindikato ng droga na mamili, kulungan o sa ibang lugar na hindi nila magugustuhan.

TAGS: duterte, Illegal Drugs, SONA, War on drugs, duterte, Illegal Drugs, SONA, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.