Bagong US communications chief, ‘naglinis’ ng kaniyang Twitter account

July 24, 2017 - 04:19 AM

 

Binura na ng bagong communications chief ng White House na si Anthony Scaramucci ang kaniyang mga tweets kung saan naghayag siya ng mga pananaw na taliwas sa mga pananaw ni US President Donald Trump.

Mula nang maupo sa kaniyang bagong trabaho noong Biyernes, nilinis ni Scaramucci ang kaniyang Twitter mula sa mga pahayag niya tungkol sa illegal immigration, climate change, Islam at gun control, na hindi tugma sa saloobin ng pangulo.

Nag-Tweet din naman si Scaramucci sa ngalan ng full transparency, kung saan ipinapaalam niya sa lahat na nag-delete siya ng mga lumang tweets.

Hindi aniya ito dapat maging distraction dahil ngayon, naninilbihan na siya sa ngalan ng agenda ni Trump at na iyon lang ang mahalaga.

Tapos na aniya ang “gotcha politics” kung saan hinuhuli sa mga dating paniniwala ang mga naninilbihan sa White House.

Makapal aniya ang kaniyang balat at sa ngayon, ang mahalaga ay ang pagsilbihan ang mga Amerikano base sa agenda ng President of the United States.

Matatandaang bilang pagprotesta sa pagkakatalaga kay Scaramucci, biglaang nag-resign si dating Press Secretary Sean Spicer sa White House.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.