Ahron Villena, nag-sorry sa masasakit na salitang binitawan kay Cacai Bautista

By Mariel Cruz July 23, 2017 - 08:32 PM

Humingi ng paumanhin si Ahron Villena sa kanyang maaanghang na salitang nabitawan niya kay Cacai Bautista.

Ito ay may kaugnayan sa pahayag ni Cacai kung saan sinabi niya sa isang panayam na tanggap niya kung ano man si Ahron.

Sa isang Twitter post, sinago ni Ahron ang naturang pahayag ni Cacai, kung saan kinuwestyon nito kung ano ba ang alam ang aktres tungkol sa kanyang buhay.

Sinabi din ng aktor na kahit kailan ay hindi naman sila naging magkarelasyon ni Cacai.

Nanahimik lamang aniya siya dahil marunong siyang rumespeto ng babae.

Agad naman humingi ng paumanhin ang aktor sa mga nabitawan niyang pahayag.

Ayon kay Ahron, ang mga naturang pahayag na lumabas sa kanyang bibig ay galing sa isang tao na galit.

Hindi niya aniya intensyon na makasakit ng damdamin lalo pa ng isang babae.

Sina Ahron at Cacai ay napabalitang may relasyon dahil sa kanilang mga sweet post sa social media.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.