Mahuhuling drug traffickers, babarilin sa Indonesia

By Mariel Cruz July 23, 2017 - 11:31 AM

INQUIRER FILE PHOTO

Ipinag-utos ni Indonesian Pres. Joko Widodo sa law enforcement officers ang pamamaril sa mahuhuling drug traffickers sa kanilang bansa.

Ito ay bilang pagtugon sa lumalalang problema sa droga sa Indonesia.

Sa isang talumpati, sinabi ni Widodo na dapat maging mahigpit ng mga pulis lalo na sa mga mahuhuling drug dealers na magtatangkang pumasok sa kanilang bansa.

Sakali aniyang manlaban ang mga ito, ay maaari silang barilin ng mga pulis.

Ang shoot order ni Widodo at kasunod ng pamamaril sa isang Taiwanese na nagtangkang mag-angkat ng isang toneladng crystal metamphetamine sa naturang bansa.

Napatay ang nasabing Taiwanese matapos manlaban sa mga pulis.

Isa rin ang Indonesia sa mga bansang malala ang problema sa droga.

Marami na rin bumatikos kay Pres. Widodo matapos ipag-utos ang execution sa mga convicted drug trafficker na napatawan ng death penalty ng korte.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.