Commissioner ng NBA, umaasa na tatanggapin ng Golden State Warriors ang imbitasyon ng White House

By Mariel Cruz July 23, 2017 - 10:52 AM

INQUIRER FILE PHOTO

Sakaling imbitahan ni US Pres. Donald Trump sa White, umaasa si NBA commissioner Adam Silver na tatanggapin ng 2017 NBA champion na Golden State Warriors ang imbitasyon.

Sa isang panayam na inilabas sa website ng Players Tribune, sinabi ni Silver na umaasa siya na isasantabi muna ng koponan ang personal nilang pananaw pagdating sa pulitika.

Kilala ang coach ng Warriors na si Steve Kerr at ilan sa kanyang players na kritiko ni Trump.

Sa katunayan, sa isang panayam kay Kerr noong nakaraang June, sinabi nito na hindi niya tatanggapin ang White House invitation ni Trump, pero maaari niya itong ikonsidera.

Matatandaang nang mag-champion ang Warriors noong 2015, bumisita sila sa White House, maging ang Cleveland Cavaliers noong nakaraang taon sa admnistrasyon ni dating Pres. Barack Obama.

Matagal nang tradisyon sa NBA ang pagbisita ng winning team sa White House.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.