Bus, sumalpok sa convenience store sa Pasay

By Mark Gene Makalalad July 21, 2017 - 12:10 PM

Wasak ang signage ng isang convenience store makaraang sumalpok dito ang isang pampasaherong bus.

Naganap ang aksidente sa bahagi ng Apelo Cruz St. sa Pasay City pasado alas 10:00 ng umaga ng Biyernes.

Damay din sa aksidente ang dalawang motor makaraan itong mabunggo din ng bus.

Ayon kay Dave Orlando ng Pasay Traffic, wala ang driver ng RMB bus nang sumalpok ito.

Nakaparada kasi ang sasakyan may terminal pero kumalas ang hand break nito habang naghahanap pa ng pangkalso ang driver.

Aminado naman ang bus driver na si Dante Rosa sa kanyang pagkakamali.

Sinabi rin ng driver na pananagutan nya ang lahat ng gastusin sa aksidente.

Makikipag-usap umano siya sa manager ng convenience store at papalitan ang mga motorsiklo na nasira.

Samantala, wala naman naitalang sugatan sa aksidente.

 

TAGS: accident, bus accident, Pasay City, accident, bus accident, Pasay City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.