Dating hepe ng Binangonan Police, nakaligtas sa pananambang

By Mark Gene Makalalad July 21, 2017 - 11:48 AM

Nakaligtas ang dating hepe ng Binangonan Police matapos itong tambangan, Biyernes ng umaga.

Nakaligtas si Supt. Noel Versoza sa pananambang sa Brgy. Dela Paz, lungsod ng Antipolo.

Ito ang kinumpirma ni Supt. Reynold Rocero ang hepe ng Antipolo Police.

Ayon kay Rocero, nagpapakarga ng gasolina itong si Versoza sa isang gasolinahan sa bahagi ng Barangay Dela Paz makaraang lapitan ito ng suspek at paputukan ng tatlong ulit pasado alas 6:00 ng umaga.

Swerte naman na sa tatlong putok, 1 lang ang naging tama ni Versoza at ito ay sa kanyang kaliwang braso.

Nagawa naman ni Versoza na patakbuhin pa ang kanyang sasakyan at nakahingi ng saklolo.

Sa ngayon nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga otoridad sa tangkang pagpatay.

Si Versoza ay aktibong PNP personnel at nakalaga ngayon sa Laguna.

 

 

 

 

 

TAGS: crime, metro news, PNP, police in service, Radyo Inquirer, Shooting Incident, crime, metro news, PNP, police in service, Radyo Inquirer, Shooting Incident

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.