Lead singer ng Linkin Park, nagpakamatay

By Kabie Aenlle July 21, 2017 - 03:17 AM

Natagpuang wala nang buhay matapos magbigti sa kaniyang tahanan sa Palos Verdes Estates sa Los Angeles, California ang lead singer ng bandang Linkin Park na si Chester Bennington.

Ayon sa report ng entertainment news site na TMZ, natagpuan ang katawan ni Bennington dakong alas-9:00 ng umaga ng Huwebes, oras sa Los Angeles.

Si Bennginton ay 41 taong gulang at may anim na anak sa dalawa niyang napangasawa.

Ayon rin sa nasabing report, ilang taong nalulong sa iligal na droga at alak si Bennington, at dati na rin nitong nabanggit na gusto niyang magpakamatay dahil naabuso siya ng nakatatandang lalaki noong siya ay bata pa.

Kabilang sa mga sumikat na awitin ng banda ay ang “In The End,” “Faint” at “Crawling.”

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.