Mga kasapi ng INC, nagsimula nang dumating sa harapan ng DOJ building

By Ruel Perez August 31, 2015 - 08:27 AM

DOJ INC
Kuha ni Ruel Perez

Nagdatngan na sa may Padre Faura sa Maynila partikular sa harapan ng Dept of Justice ang mga kasapi ng Iglesia ni Cristo para sa pagpapatuloy ng kilos protesta ngayong araw.

Galing sa ibat ibang probinsiya ang mga nagdatingan sa DOJ na hindi pa sumisikat ang araw ay naroon na.

Mayroon din namataan na mga higit 100 katao magtitipun-tipon sa may Army n Navy Club malapit sa Luneta na inaasahan papunta rin sa DOJ.

Dahil dito maaga pa lang ay naka antabay na rin ang pulisya sa kanto nitong Padre Faura at mayroon na rin nakabantay dito sa loob ng gate ng DOJ.

Samantala, inaasahan nga na magsisitungo dito ngayong umaga ang mga INC members na magmumula naman sa EDSA-Shaw Blvd na simula pa noong Biernes ay inokupa na ang bahagi na yan ng Mandaluyong para sa kanilang kilos protesta.

TAGS: DOJ, inc rally, manila, DOJ, inc rally, manila

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.