Isa pang suspek sa Quiapo blast noong ASEAN Summit, nadakip at kinasuhan na ng MPD

By Mark Makalalad July 20, 2017 - 03:45 AM

Arestado at naisalang na sa inquest proceedings ang isa pang suspek sa pagsabog sa Soler Street sa Quiapo, Maynila nuong kasagsagan ng ASEAN Summit kung saan nagresulta sa pagkasugat ng 13 sibilyan.

Nakilala ng Manila Police District ang naaresto na si Raymond Mendoza, 21 taong gulang.

Naaresto ang suspek nuong July 17 dakong alas-5:40 ng hapon sa kanto ng Carriedo Street at Sales St sa Sta. Cruz, Maynila.

Narekober mula kay Mendoza ang isang kalibre .38 revolver, dalawang bala at isang fragmentation hand grenade.

Isinalang ito sa inquest proceedings sa Manila Prosecutor’s Office kung saan ipinagharap ito ng reklamong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Act at RA 9516 o Illegal Possession of Explosives.

Ayon sa tagapagsalita ng MPD na si Supt. Erwin Margarejo, posible rin na maharap si Mendoza sa karagdagang reklamo dahil ang kanyang pangalan ay isinasangkot ni Abel Macaraya, unang suspek na naaresto sa Quiapo blast, sa nasabing insidente.

Si Macaraya na unang nadakip ng MPD ang itinuro ng mga eyewitness at nakita rin sa CCTV footage na naglagay ng kahina-hinalang package sa pinangyarihan ng pagsabog sa Soler Street nuong April 28.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.