Pangulong Duterte, magpa-practice ng kaniyang SONA sa Davao City

By Dona Dominguez-Cargullo July 19, 2017 - 10:55 AM

Sa Davao City isasapinal ang buong lalamanin ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Presidential Communications Office Sec. Martin Andanar, uuwi sa Davao City ang pangulo at doon din ito magre-rehearse para sa nalalapit na SONA sa Lunes, July 24.

Nakatakda ring magtungo sa lungsod ang mga miyembro ng gabinete para magtulong-tulong upang mabuo ang speech.

Ayon kay Andanar, magsasagawa din ng pagpupulong ang mga cabinet member para sa technical details ng ikalawang ulat sa bayan ng pangulo.

Una nang sinabi ng Malakanyang na personal na pinangangasiwaan ni Pangulong Duterte ang lalamanin ng kaniyang SONA.

Mismong ang pangulo umano ang nagbabawas o nagdaragdag sa speech depende sa kaniyang nais na ilagay o alisin.

 

 

 

 

 

TAGS: Radyo Inquirer, rodrigo duterte, State of the Nation Address, Radyo Inquirer, rodrigo duterte, State of the Nation Address

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.