PBA nagpahiram ng mga star players sa Gilas Pilipinas

By Justinne Punsalang July 18, 2017 - 04:35 PM

Inquirer file photo

Pumayag na ang board of governors ng PBA na ipahiram ang kanilang mga top players sa Gilas Pilipinas team para sa FIBA Asia Championship.

Ibig sabihin nito, maaari nang makasali sina June Mar Fajardo, Japeth Aguilar, Terrence Romeo, at Calvin Abueva sa pambansang koponan ng Pilipinas para sa basketball.

Kinumpirma ito ni Philippine Basketball Association Commisioner Chito Narvasa sa isang pahayag kung saan kanyang sinabi na prayoridad sa grupo ang mga manlalaro ng PBA.

Iniurong din ng PBA ang pagbubukas ng season sa December ngayong taon upang magbigay daan sa qualifying round na gaganapin naman sa November.

Kasunod nito ay magkakaroon din ng last-minute adjustments ang schedule ng Governor’s Cup.

Sa Miyerkules na magbubukas ang season-ending conference ng nasabing torneo.

Gaganapin ang FIBA Asia Championship simula August 8 hanggang 20 sa Beirut, Lebanon.

TAGS: Gilas Pilipinas, narvasa, PBA, Gilas Pilipinas, narvasa, PBA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.